Maulan na panahon ngayong araw, asahan na

Magdadala ng mga pag-ulan ang Low Pressure Area (LPA) na nakakaapekto ngayon sa bansa.

Huli itong namataan sa layong 960 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar.

Bukod rito, patuloy rin na nakakaapekto ang hanging habagat sa buong Luzon at Visayas.


Kaya naman huwag kalimutan magdala ng payong dahil asahan na ang maulang panahon ngayong araw sa halos buong Luzon, Visayas at ilang lugar sa Mindanao.

Makakaranas din ng banayad hanggang sa maalon ang mga baybayin ng bansa ngayon araw.

Sunrise – 5:29AM

Sunset – 6:28PM

Facebook Comments