Magdala ng payong at kapote dahil uulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon ngayong araw bunsod ng hanging habagat.
Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Pangasinan, Bataan at Zambales.
May kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Mimaropa, La Union, Benguet, Cavite, Batangas at natitirang bahagi ng Central Luzon.
Sa Visayas, maulap ang panahon kaya pwede pa ring mag-relax sa Lakawon Island sa Negros Occidental.
Puntahan ang Pearl Farm Beach sa Samal Island habang maulap ang panahon sa halos buong Mindanao.
Samantala, suspendido na ang klase ngayong araw sa ilang lugar sa Zambales dahil sa masamang panahon.
All levels
– San Antonio
– Botolan
– Iba
– Palauig
– Masinloc
– Cabangan
– Candelaria
– San Narciso
– Subic