Maulap na kapaligiran sa Metro Manila, walang kinalaman sa vog mula sa Bulkang Taal

Nilinaw ng Office of Civil Defense (OCD), na walang kinalaman ang ‘vog’ o volcanic smog mula sa Bulkang Taal sa maulap na kapaligiran sa Metro Manila.

Ayon kay OCD-NDRRMC Deputy Spokesperson Diego Mariano, batay sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang maulap na kapaligiran sa Metro Manila ay bunsod ng natural phenomenon na tinatawag na temperature inversion.

Papalayo rin aniya sa Metro Manila ang direksyon ng hangin kaya malabong nararanasan dito ang vog.


Maliban dito, maari rin aniyang smog lamang ang nararanasan sa kalakhang Maynila.

Gayunpaman, pinag-iingat ang publiko at pinayuhan manatili sa loob ng bahay kung hindi mahalaga ang lakad.

Habang kung hindi maiiwasang lumabas ay pinagsusuot ng face mask upang maiwasan ang iritasyon lalo na kung may problema sa kalusugan.

Facebook Comments