Maureen Montagne, itinanghal na Miss Globe 2021

Kinoronahang Miss Globe 2021 ang kinatawan ng Pilipinas na si Maureen Montagne mula sa Batangas.

Ginanap ang kompetisyon kaninang umaga (oras sa Pilipinas) sa Tirana, Albania.

Ito na ang ikalawang korona na nakamit ng Pilipinas sa Miss Globe matapos itong unang mapanalunan ni Ann Colis noong 2015.


Nagwagi si Maureen sa pageant dahil sa pamamayagpag nito sa swimsuit competition, evening gown at kahanga-hangang pagsagot nito sa Question & Answer portion.

Unang itinanghal na first runner-up sa Miss Eco International si Maureen noong 2019.

Ilan sa pa sa mga nagwagi sa kompetisyon ay ang;

1st Runner-up: Nigeria
2nd Runner-up: Turkey
3rd Runner-up: Venezuela
4th Runner-up: Canada

Facebook Comments