Marawi City – Posibleng ilagay ng Maute Group sa frontline ng giyera sa Marawi ang mga batang bihag nila.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – desperado na kasi ang mga terorista lalo’t naiipit na sila sa war zone.
Una nang sinabi ng Armed Forces na nasa 500 square meter na lang ang ginagalawang lugar ng mga Maute.
Sabi ni Padilla, sisikapin nilang mailigtas ang lahat ng mga bihag ng mga terorista.
Nasa loob pa ng Marawi ang emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
Ayon naman sa Western Mindanao Command, apat na source na nila ang nagsabing patay na si Abdullah Maute dahil sa airstrike.
Facebook Comments