Manila, Philippines – Ikinokonsidera ngayon ng Armed Forces of the Philippines na isama sa listahan ng international terrorist ang Maute Group na naghahasik ng karahasan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na konektado ang Maute Group sa ISIS.
Dagdag pa ni Año, kontralado na din nila ang sitwasyon sa Marawi City kung saan aniya, tama lang ang ginawang pagdeklara ng martial law ng Pangulong Duterte para tuluyang masawata ang mga terorista at mga supporters ng mga ito.
Sinabi pa ni Año na ang Maute Group ay may kinalaman sa mga aktibidad ng ISIS para tuluyan silang makilala bilang mga terorista kung saan sangkot din ang mga ito sa iligal na droga.
Umaasa din si Año na matatapos na din ang kaguluhan sa Marawi City sa mga susunod na araw.
DZXL558