Maute lookalike hinuli sa Surigao City matapos makumpirmang Wanted at nakapatay sa Sorsogon

Maute lookalike hinuli sa Surigao City matapos makumpirmang Wanted at nakapatay sa Sorsogon. Ayon sa Chief of Police na si Supt. Jay Baybayan, unang sinita ng Phil Coastguard ang suspek na kinilalang si Alexander Cabrisus Rascal, 43 taong gulang at naninirahan sa Panganiban, Camarines Norte. Diumano’y nakasakay ito ng bus mula Davao at papuntang Samar. Habang nasa loob ng Eva Macapagal Passenger Terminal, wala itong maipakita na ID at ang dala lamang ang isang cedula, kalakip ring dahilan ang mukha nito ay may similarly sa Isang miyembro ng Maute na si Baghdadi. Nang isinagawa ang iilang oras na interrogasyon at background check, nakumpirma na si Rascal ay Wanted sa kasong pagpatay sa Sorsogon. Tinukoy ni Supt. Baybayan na hindi pa makumpirma kung si Rascal at Baghadi ay iisang tao lamang lalo na’t nagsagawa pa sila ng karagdagang koordinasyon sa Intelligence community sa iba’t ibang ahensiya.

Sent from my iPhone

Facebook Comments