Maute recruiter na nahuli ng NBI, sumalang sa Preliminary Investigation ng DOJ ngayong araw

Manila, Philippines – Sumalang ngayong araw sa Preliminary Investigation ng Department of Justice ang di umano’y Maute recruiter na si Karen Aizah Hamidon, 36 anyos, kaugnay sa 14 counts ng kasong rebelyon at paglabag sa cybercrime prevention act na isinampa sa kaniya ng Nation Bureau of Investigation.

Sa nangyaring pagdinig kanina, bigong makapagsumite ng counter affidavit si Hamidon dahil wala itong kasamang abugado.

Magpapatuloy ang pagdinig ng DOJ sa Biyernes, November 10, 2017 ganap na alas 10 ng umaga.


Si Hamidon ay naresto noong Oktubre 11 sa tinitirhan nito sa Taguig City, matapos ang ginawang pagmamanman ng NBI Counter Terrorism, sa ginagawa nitong pag-rerecruite ng mga miyembro at financier para sa Maute sa pamamagitan ng social media.

Facebook Comments