Maute terror group, mahihirapan nang kumilos ngayong patay na ang kanilang mga lider – kongresista

Marawi City – Mahihirapan na ngayon ang Maute Terror Group sa kanilang paglaban sa tropa ng pamahalaan kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Naniniwala si House Committee on National Defense Senior Vice Chair Ruffy Biazon na mahihirapan na ang Maute Terror Group dahil wala na ang nagbibigay ng estratihiyang mga desisyon sa mga terorista.

Para kay Biazon na malaking advantage ang pagkamatay ng dalawa upang mapuksa ang mga nalalabi pang terorista dahil magkakaroon ng leadership vacuum ang Maute.


Iginiit ng mambabatas na dapat itong samantalahin ng pamahalaan dahil maaring mayroon kaagad na pumalit sa dalawang napaslang na lider.

Pinuri naman ni Biazon ang pagkakapatay kay Hapilon at Maute dahil sensyales ito na malapit ng makamit ang kapayapaan sa Marawi.

Facebook Comments