Manila, Philippines – Mauurong nanaman ang timetable para sa Charter Change.
Kung dati ay halos madaliin at ipilit na ngayong darating na Mayo tapusin ang chacha para maisabay ang plebesito sa Federalism sa Barangay at SK election, iba nanaman ang tono ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Alvarez, mayroon na silang hanggang 2019 para tapusin ang Chacha.
Paliwanag ni Alvarez, ikukunsidera pa kasi nila ang rekomendasyon ng binuong Consultative Committee kaugnay sa Chacha.
Dahil dito, binigyan ni Alvarez ng direktiba ang House Committee on Constitutional Amendments na huwag munang i-terminate ang kanilang pagdinig sa Chacha.
Dagdag ni Alvarez, hihintayin nila ang rekomendasyon ng ConCom bago sila magpapasok ng rekomendasyon na isasama sa proposal ng Kamara.