Manila, Philippines – Hihilingin ng mga senador kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipatupad ang total closure sa isla ng Boracay.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Environment Committee, ang mga lumabag na establisyimento lang dapat ang ipasara.
Aniya, hindi naman kasi dapat mawalan ng pagkakakitaan ang mga resort at hotel owner na tumatalima naman sa environmental laws.
Sinabi pa ni Villar na irerekomenda niya sa kapwa niya senador na magpasa ng isang batas na nagtatakda na gawing co-manage ng national at local government ang mga kilalang tourist destination sa bansa.
Facebook Comments