MAWAWALAN NG TRABAHO | Ayuda sa mga manggagawa sa Boracay na maaapektuhan ng rehabilitasyon, pinapatiyak ni Senator Angara

Manila, Philippines – Pinapatiyak ni Senator Sonny Angara sa gobyerno ang pagbibigay ng ayuda sa mga posibleng mawalan ng trabaho dahil sa naka-ambang pagsasara ng Boracay.

Bunsod ito ng panukalang isailalim sa anim na buwang state of calamity at dalawang buwang commercial shutdown ang Boracay.

Tinukoy ni Angara ang pag-aalala ng labor groups sa Visayas na aabot sa 19,000 na formal at informal workers ang tiyak na maaapektuhan ng nasabing hakbang.


Kaugnay nito, ay nanawagan si Angara sa mga stakeholders na samantalahin ang green jobs law na titiyak sa paglikha ng mga trabaho na may kaugnayan sa rehabilitasyon, restorasyon at paglilinis ng kapaligiran at ng mga natural na yaman ng bansa.

Suportado ni angara ang rehabilitasyon ng boracay, pero hindi naman aniyang puwedeng balewalain ang mga mawawalan ng trabaho dahil libu-libong pamilya ang siguradong apektado nito.

Facebook Comments