Mawawalang kita sa bansa dahil sa POGO ban, kayang bawiin ng pamahalaan -NEDA

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mababawi ng pamahalaan ang mawawalang kita sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO matapos ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang operasyon nito sa bansa.

Sa Post State of the Nation Address (SONA) briefing, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na may kita naman ang pamahalaan mula sa mga buwis tulad ng corporate tax, income tax, at mga imported na produkto.

Mas malaki pa aniya ang makokolekta rito ng pamahalaan kung pagsasama-samahin ang mga ito, kumpara sa mawawalang P14 billion na kita mula sa POGO.


Giit ni Balisacan, mas malaki ang negatibong epekto sa bansa ang dala ng POGO dahil sa mga krimen.

Masisira aniya ang imahe ng bansa lalo’t pinagsisikapan ng pamahaan na manghikayat ng mga negosyo at makaakit ng mga turista.

Facebook Comments