SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Balik na muli maximize operation ng Molecular Laboratory sa Pangasinan Provincial Hospital matapos ang ginawang pagbabawas ng kanilang operasyon ng ilang linggo.
Sinabi ni Provincial Health Office Chief Dra. Anna De Guzman, na noong mga nakaraang linggo ay nagbawas sila ng operasyon matapos na magpositibo sa COVID19 ang aabot sa limang medical technologies at apat na kabilang sa support group.
Tumatakbo ang molecular lab ng aabot sa 4 hanggang sa anim na beses kada araw ng mga mga specimens upang maging mabilis ang turn around time nito at mapabilis ang paglabas ng resulta ng mga dumadaan sa test.
Binawasan ang operasyon nito makaraang magkasakit ang mga medical technologist sa laboratoryo na ginawa na lamang tatlong beses kada araw.
Sa ngayon umano ay nakabalik na umano ang mga staffs na nagkasakit matapos na gumaling at matapos sa kanilang isolation kaya balik operasyon na rin sa dati ang operasyon ng Molecular Laboratory. | ifmnews
Facebook Comments