Maximum capacity sa inbound passengers sa NAIA itinaas ng CAB sa 3,000 kada araw.

Pormal na inanunsyo ng Civil Aeronautics Board o CAB ang bagong patakaran sa mga papasok na pasahero sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon sa CAB, nilagdaan ni Executive Director Carmelo Arcilla ang statement na nagsasaad na mula 2,000 pasahero ay itinaas na sa 3,000 pasahero ang maximum capacity ang pinapayagang dumating sa paliparan kada araw base sa ilalim na umiiral na Alert Level 3.

Paliwanag ni Arcilla ang 3,000 arrival passenger maximum capacity ay dapat hatiin para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga foreign passengers kung saan dapat din matukoy ng Department of Transportation (DOTr) at mga airlines na nag o-operate sa NAIA.


Dagdag pa ni Arcilla, ang mga airline na nag-o-operate sa NAIA na lalampas sa pinapayagang kapasidad ay bibigyan ng nararapat na parusa alinsunod sa Joint Memorandum Circular No. 2021 -01 na pinagtibay ng Manila International Airport Authority, Clark International Airport, Civil Aeronautics Board at Civil Aviation Authority of the Philippines.

Una ng ipinatupad ng CAB nitong mga nakalipas na buwan ang 2,000 passenger capacity lamang ang pinapayagang dumating sa NAIA kada araw upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Facebook Comments