MAXIMUM PERSONNEL NG PNP PANGASINAN NAKATAKDANG ITALAGA SA DARATING NA HALALAN 2022

LINGAYEN, PANGASINAN – Inihayag ng bagong PNP Provincial Director ng Pangasinan na si Police Colonel Richmond Tadina na itatalaga nito ang maximum personnel ng kapulisan sa darating na National and Local Election 2022.

Sinabi ni PCOL. Tadina, ilalagay ang mga naturang pulis sa strategic areas o mga lugar na matutukay na hot spot sa probinsiya sa darating na eleksyon.

Ang mga ito ay idedeploy bago at pagkatapos ng eleksyon upang masiguro ang seguridad ng publiko.


Samantala, sa pagkakatalaga ni Tadina mas paiigtingin nito ang anti-criminality sa Pangasinan.###

Facebook Comments