Ilang mga malalaking kaganapan ang patuloy na pinaghahandaan ng awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Pangasinan PPO PD PCol. Rollyfer Capoquian sa naganap na Pantongtongan Tayo ng PIA Pangasinan, utos nito ang maximum police presence sa lahat ng mga kapulisan sa lalawigan upang maantabayanan ang mga pagkakataong maaaring pagmulan ng mga insidente.
Aniya, dapat 85% ng mga police personnels ay nasa labas, at ang natitirang 15% ay para naman sa mga pulis na gumagawa ng office duties.
Mas paiigtingin ito lalo ngayong papalapit na pagdaraos ng Semana Santa kung saan aasahan ang dagsa ng mga Pangasinense at mga turista sa iba’t-ibang lugar tulad na lamang sa mga baybayin.
Saklaw ng pagpapalakas ng police visibility ay bunsod ng summer vacation simula ngayong buwan.
Samantala, patuloy din ang kampanya ng himpilan upang maitaguyod ang maayos na halalan sa darating na May 12. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









