Maximum Security Compound ng Bilibid, binulabog ng pagsabog

Inaalam na ngayon ng pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) kung anong grupo ang responsable sa nangyaring pagsabog sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP.

Naganap ang pagsabog alas-10:00 ng umaga sa Quadrant 4 habang isinasagawa ang demolisyon sa Quadrant 1.

Sa pagresponde ng Explosive Ordinance Disposal Unit ng NCRPO, napag-alaman na isang Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog.


Sa ginawa din pag-iikot ng EOD, dalawang hand grenade at dalawang blasting caps ang narekober nila sa isang kubol.

Lumalabas pa sa inisyal na imbestigasyon na naganap ang insidente kung saan nakakulong ang mga nahuling Abu Sayyaf Group, Maute ISIS, Rajah Solaiman Group, Jimaah Islamiya at Moro Islamic Liberation Front PDL’s.

Facebook Comments