Maximum security, dapat ipatupad para kay Guo Hua Ping para hindi muli makatakas

Pinapatiyak ni Quezon 2nd District Rep. Reynan Arrogancia ang maximum security para kay Guo Hua Ping o dismissed Bamban Mayor Alice Guo upang matiyak na hindi ito makakatakas muli.

Giit ni Arrogancia, dapat maging responsable ang ating mga awtoridad sa pagpapatupad ng napakahigpit na siguridad kay Guo at dapat managot ang sinumang nagpabaya sa pagkapuga ni Guo.

Punto pa ni Arrogancia, maraming pinag-daanan para maibalik sa bansa si Guo na malinaw na isang banta sa Pilipinas at sa iba nating mga kababayan.


Nais din ni Arrogancia na gamitin ang totoong Chinese name ni Guo dahil hindi naman talaga ito Pilipino.

Kasabay nito ay mariing tinutulan ni Arrogancia ang mungkahi na gawing state witness si Guo dahil malinaw na guilty ito sa mga kasong money laundering, human trafficking, at ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Facebook Comments