Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pinaiiral nila ang maximum tolerance sa mga isinasagawang kaliwa’t kanang kilos protesta ngayong ginugunita ang Bonifacio Day.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, sapat na pwersa ang kanilang ipinakalat upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.
Ani Fajardo, kung magsasagawa ng mga pagkilos dapat ay mayruong permit mula sa lokal na pamahalaan maliban na lamang kung sa mga freedom park ito idaraos.
Sa ngayon nananatiling payapa ang mga ikinakasang pagkilos ng mga militante.
Kabilang sa mga pinagdarausan ng protesta ngayong Bonifacio day ay ang Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio, Mendiola at mayroon din sa Cebu kung saan panawagan ng mga militante ang independence, social justice, pagtaas ng sweldo ng mga uring manggagawa, pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pa.