
Kasunod ng ika-apat na State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw, July 28, 2025.
Nangako ang Philippine National Police (PNP) na paiiralin nila ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng kilos-protesta.
Ayon kay PNP Chief General Nicolas Torre III tungkulin ng pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng lahat at respetuhin ang karapatang magpahayag pabor man o tutol sa administrasyong Marcos.
Sinabi ni Torre na nagkaroon na ng dayalogo sa pagitan ng mga lider ng mga makakaliwang grupo at mga opisyal ng PNP at dito inilatag ang mga kondisyon sa pagsasagawa ng protesta.
Ilan sa mga progresibong grupo na magsasagawa ng kilos-protesta ay ang grupong Bayan kung saan inaasahan ang pagsusunog ng mga ito ng effigy ni PBBM.









