Maximum tolerance, mahigpit na ipatutupad ng PNP sa nalalapit na SONA ni PBBM

Nagbaba ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil sa mga pulis na magpatupad ng maximum tolerance sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang kaliwa’t kanang kilos-protesta ng iba’t ibang mga grupo.

Ayon kay Marbil, nais nilang mairaos ng maayos ang State of the Nation Address (SONA) nang walang gusot sa pagitan ng mga pulis at militante.


Samantala, pinatutukan din ni Marbil sa mga pulis na magbabantay sa SONA ang lagay ng trapiko.

Ani Marbil, gusto nyang maiwasan ang inconvenience ng mga tao lalo na yung papasok at pauwi mula sa trabaho.

Sa ngayon, walang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad ang PNP.

Hindi rin nito inirekomendang magtaas ng alerto.

Facebook Comments