Pinapaalala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas Torre III na kailangang mangingibabaw ang maximum tolerance sa kilos protesta ng mga militanteng grupo ngayong araw.
Sa kanyang pag-iikot sa Commonwealth Avenue, muli niyang pinaalala sa mga pulis na hindi dapat magkaroon ng sakitan at paluan.
Sa panig ng mga raliyista, dapat respetuhin lang ang karapatan ng bawat isa sa paghahayag ng saloobin.
Kahit magsisigaw ang mga ito sa kanilang mga aktibidad ay hahayaan lamang sila ng mga awtoridad.
Kuntento naman ang police official sa latag ng seguridad sa kahabaan ng Commonwealth hanggang Batasan Complex.
Facebook Comments