Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na paiiralin ng PNP ang maximum tolerance sa mga makikilahok sa transport protest ng grupong MANIBELA at PISTON ngayong araw.
Ayon kay Acorda, nakahanda ang PNP na umalalay sa mga mai-stranded na mga pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sakay.
Mayroon din aniya silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga maaabalang motorista.
Aniya nais ding bigyan ng PNP ng espasyo ang mga magpoprotesta na ipahayag ang kanilang mga saloobin basta’t hindi makakaabala.
Kasunod nito, nakiusap si Acorda sa mga lalahok sa aktibidad na panatilihing mapayapa ang kanilang pagkilos at wag magkasakitan.
Sa ngayon aniya, walang na-monitor ang PNP na banta sa transport protest, maliban sa posibleng pagka-paralisa ng pampublikong transportasyon sa mga apektadong lugar kung kaya’t hanggang nagpapatuloy ang transport strike ay naka alalay din ang kapulisan.