Maximum tolerance, pinaaalala sa mga pulis sa harap ng inaasahang kaliwa’t kanang protesta sa gaganaping proklamasyon sa bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa

Mahigpit ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., sa lahat ng mga pulis na habaan ang pasensya o pairalin ang maximum tolerance sa pagharap sa mga grupong magsasagawa ng protesta.

Ito ay kaugnay sa gaganping proklamasyon kina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Presumptive Vice President Sarah Duterte Carpio.

Ayon kay Danao, alam nilang may karapatana ng sinuman na ihayag ang kanilang saloobin pero dapat aniya ay nasa tamang forum ang mga ito.


Aniya may mga lugar partikular sa mga canvassing areas ang ipinagbabawal ang mga rally at anumang grupong magtatangka ay tiyak na bubuwagin.

Kaya naman pakiusap ni Danao sa mga magsasagawa ng protesta na maging mahinahon lalot nagsalita na aniya ang taong bayan at maigi aniya hayaan na lamang ang mga bagong uupong pinuno ng bansa na patunayan ang kanilang sarili sa taumbayan na sila ay karapat dapat mamuno.

Facebook Comments