Maxine Medina, humingi ng paumanhin sa naging pahayag noon sa transwomen

Image via Maxine Medina on Instagram

Sa ginanap na Mega Ball kung saan ay tema ay Equality, naalala ng mga netizen ang naging pahayag noon ni Maxine Medina sa kaniyang naging pahayag noon tungkol sa pagsali ng transwoman sa Miss Universe beauty pageant.

Sa isang panayam noong Hulyo 2018, sinabi niyang may iba pang pageant para sa mga transwoman at para maging equal ito sa iba pang babae.

Agad na umani ito reaksyon mula sa mga netizen dahil sa pahayag na ito. Humingi naman ng paumanhin si Medina sa isang instagram post.


“Kung gusto niya talaga sumali, may mga pageants naman for them, na right for them. Let’s give them an idea na mayroon naman talagang pageant for them, para naman equal din sa girls, ‘diba,” ani Maxine.

Sa isang instagram post, pinaliwanag ni Maxine ang kaniyang naging tungkol kay Angela Ponce, ang kauna-unahang transwoman na sumali sa Miss Universe.

“While I was truly caught in a moment, I’ll graciously and humbly say that it was misinformed, and lacking in empathy and understanding. I know first-hand how it is to feel invalidated as I have been bullied all my life, been called names. That’s why I really apologize if this is how you felt and still feel,” paliwanag niya.

Sinabi niya ring hanga siya kay Angela Ponce at nagbigay siya ng inspirasyon sa iba pang transwomen na gustong sumali sa Miss Universe.

Dagdag niya, natuto na siya sa kaniyang nagawa at ang equality ay mahalaga hindi lamang sa kung anong alam niya, kundi para rin sa kapakanan ng lahat.

“Having been made aware, I am humbling myself as a human being. Now, it is my hope that whether it’s Miss Universe and all the other pageants in the world, women and transwomen continue to dream big and prove themselves that as a woman, you can do anything to be the queens you want to be,” aniya.

Si Maxine Medina ay nagrepresenta ng bansa noong Miss Universe 2016 at natapos sa top 6.

Facebook Comments