
Idideklarang holiday ng Malacañang ang May 12, araw ng Halalan.
Ito ang inanunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ngayong tanghali kasunod ng hiling ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Castro, ilalabas ng Palasyo ang proklamasyon na gawing holiday ang May 12 ngayong araw.
Nauna nang sinabi ng Comelec na mainam kung gagawing holiday ang araw ng Halalan para magkaroon ng pagkakataon ang publiko na makaboto dahil maraming may pasok sa mismong araw ng eleksiyon.
Facebook Comments









