May-akda ng Medical Marijuana Bill, bumwelta sa mga kritiko ng panukala

Umaalma si Isabela Rep. Rodito Albano, ang may-akda ng Medical Marijuana Bill, sa mga kritiko ng panukala matapos itong aprubahan sa ika-2 pagbasa.

Tiniyak ni Albano na hindi magiging gateway para malulong sa marijuana o sa iligal na droga ang mga makikinabang sa panukala.

Paliwanag nito, hindi kailanman magagamit o papayagan ng panukala na gamitin ito ‘for recreational use’.


Ang Medical Cannabis ay eksklusibo lamang na gagamitin para sa mga nakakaranas ng malalang kondisyon tulad ng cancer, multiple sclerosis at leprosy.

Ito rin ay may approval at reseta ng doktor bago payagan na ipanggamot ang Medical Marijuana at may compliance sa regulatory requirements sa ilalim ng DOH.

Ayon pa kay Albano, mas makabubuti kung basahin muna ng mga doktor, kapwa-kongresista at medical community ang bawat salitang nakasaad sa House Bill 6517 at suriin ang merito nito.

Facebook Comments