May akda ng medical marijuana bill, suko na sa pagsusulong ng panukala

Tuluyan na ngang sumuko si Isabela Rep. Rodito Albano sa pagtutulak ng panukala para sa Medical Marijuana Bill matapos na tutulan ni Pangulong Duterte ang legalisasyon ng panukalang batas.

 

Dahil dito, pinayuhan ni Albano ang mga magulang at mga may sakit na sila na lamang ang gumawa ng paraan para sa pagsasaligal ng Medical Marijuana.

 

Hindi na rin magpapaliwanag pa ang kongresista sa Pangulo para baguhin ang isip ng Pangulo.


 

Ayon kay Albano na siyang author ng House Bill 6517, inirerespeto niya ang desisyon ng Pangulo at wala siyang balak na makipagdebate dahil sa separation of powers.

 

Sa katunayan, maraming beses na aniya silang nagkausap ni Pangulong Duterte sa Isabela subalit hindi niya natalakay ang panukala.

 

Batid din ng kongresista na tutol ang Senado sa legalisasyon ng medical marijuana kaya wala na itong ibang tsansa kundi ang pag-lobby at pagpapaliwanag ng mismong mga pasyente at magulang sa punong ehekutibo.

Facebook Comments