MAY ANOMALYA? | Tourism Undersecretary Kat De Castro, inilagay sa floating status

Manila, Philippines – Inilagay sa floating status ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat si DOT Undersecretary Kat De Castro.

Ito ay bilang bahagi ng ginagawang paglilinis ni Puyat sa ahensiya.

Ayon sa ulat, nahihirapan ang kalihin na pakisamahan si De Castro lalo at dati niyang nakasama ang ama nitong si Noli de Castro noong Arroyo Administration.


Si Noli ay Bise President noon habang si Puyat ay deputy cabinet secretary at naging undersecretary din ng Department of Agriculture (DA).

Una nang inakusahan si De Castro nang pagsama ng kanyang boyfriend sa kanyang mga official trips kahit hindi naman ito opisyal ng DOT.

Sinasabing kinuha din ni De Castro ang banda ng kanyang kasintahan para sa isang event ng DOT.

Facebook Comments