
Tiniyak ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na mananagot ang may-ari ng bahay sa Pieces St. Batimana Compound sa Brgy. Marulas kung saan sumabog ang mga paputok sa isang bahay at nagresulta sa pagkasawi ng apat na katao at pagkasugat ng pitong iba pa.
Ayon kay Gatchalian, kapabayaan ang sanhi ng trahedya dahil illegal ang ginawang pag-imbak ng kwitis at pulbura sa nasunog na bahay.
Katwiran aniya ng may ari ng bahay, sinamantala nila ang pag-iimbak ng mga paputok dahil mura pa ito sa ngayon at plano nilang ibenta ang mga ito sa panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Gatchalian, walang permit ang may-ari ng bahay para sa pagmanupaktura at mag-imbak ng paputok.
Patuloy namang tinututukan ng emergency response team ng Valenzuela Medical Emergency Center ang kalagayan ng mga sugatan na ginagamot sa Valenzuela Medical Center.
Kabilang sa nasugatan ay isang senior citizen, tatlong bata na nasa edad siyam at pitong taong gulang.









