Inalerto ng Department of Health (DOH) ang mga may-ari ng business establishments sa sandaling sa sandaling ipatupad na ang transition sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalagang ipatupad ang Health protocols sa mga empleyado ng business establishments gayundin sa mga customer.
Partikular aniya ang pagsusuot ng face mask, social distancing, disinfection at cough etiquette.
Pinayuhan din ng DOH ang employers na panatilihing malusog ang kanilang mga empleyado at tiyaking walang virus.
Dapat din aniyang maging handa ang employers sa pag-ayuda sakaling mayroon silang empleyado na tamaan ng COVID-19.
Nanindigan ang DOH sa kanilang babala sa mas malalang outbreak sakaling pairalin na lamang ang GCQ mula sa kasalukuyang ECQ.
Kinumpirma rin ng DOH na sa ngayon ay halos 1,400 pang healthcare workers ang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.
Ang naturang bilang ng active COVID cases sa healthcare workers ay mula sa kabuuang halos 2,000 na COVID cases sa medical personnel.
Kinumpirma rin ng DOH na sa ngayon ay maroon na ang bansa na 29 licensed laboratories na maaaring magproseso ng COVID testings.