May-ari ng Central Park Condo, wala pang pahayag sa nangyaring pananaksak ng isang lalake noong Martes ng gabi

Manila, Philippines – Tikom parin ang bibig ng mga kinatawan ng Central Park Condominium hinggil sa nangyaring pananaksak at pagpatay ng isang lalake nuong Martes ng gabi.

Hindi parin mabatid hanggang sa mga oras na ito kung anong ayuda o tulong ang ibibigay ng may-ari ng condo sa mga biktima dahil hindi pa rin ito humaharap sa mga kagawad ng media simula nang mangyari ang malagim na insidente.

Matatandaang 6 ang nasawi sa stabbing spree kasama ang suspek na si Alberto Garan habang 5 naman ang sugatan.


Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde na may nakita silang kapabayaan sa nasabing condominium dahil inamin ng mga gwardya doon na walang nakaposte at nagmomonitor sa cctv area ng condo

Maliban dito, dapat agad ding tumawag sa pulis ang mga gwardiya para ipabatid na may komosyon na nangyayari

Ilan sa mga residente ng Central Park Condominium ang nagsabing may mga insidente nang naganap nuon doon dati at malinaw na may kapabayaan sa parte ng may-ari.

Kwento ng ilang tenant, marami ng namatay sa condo, may nakuryente pa umanong 8 taong gulang na bata, may nahulog din umano dati sa elevator at usaping pangkalusugan dahil kapansin pansin na marumi ang paligid ng condo.

Sa ngayon, balot parin ng takot ang mga tenant ng central park condo dahil paulit ult parin nilang naaalala ang malagim na insidente nuong Martes ng gabi.

Facebook Comments