MANILA – Hawak na ng National Bureau of Investigation ang may-ari ng Gream Funeral Homes sa Caloocan kung saan i-crenimate ang labi ng Korean national na si Jee Ick Joo.Pasado alas 7:00 kaninang umaga ng sinundo ng mga kagawad ng NBI Anti-Illegal Drugs Task Force si dating SPO4 Gerardo Santiago sa NAIA terminal 2 pagdating nito bansa mula sa Vancouver, Canada.Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin – nakipag-ugnayan si Santiago sa ahensya para isailalim siya sa protective custody sa kabila ng kawalan pa ng warrant of arrest laban sa kanya dahil natatakot siya sa kaniyang kaligtasan.Nangako naman aniya ito ng buong kooperasyon sa imbestigasyon sa kaso.Sinasabing magkakilala si Santiago na siya ring barangay chairman ng Barangay 165 Bagbaguin, Caloocan at si SPO3 Ricky Sta. Isabel, isa sa mga suspects sa pagpatay kay Joo.
May-Ari Ng Funeral Home Kung Saan Icrenimate Ang Koreanong Si Jee Ick Joo – Dumating Na Sa Bansa; Kostudiya – Hiniling S
Facebook Comments