May-ari ng gumuhong Chuzon Supermarket, may pananagutan sa trahedya

Nagsimula na ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos ang 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.

Dito ay iginiit ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na may pananagutan ang may-ari ng Chuzon.

Kaya naman nakatakdang kasuhan ng PNP ang may-ari ng pamilihan dahil sa pinsalang idinulot nito na kumitil sa buhay ng ilang mamimili.


Hindi rin aniya ligtas ang lokal na pamahalaan ng Pampanga kapag napatunayang may pagkakamali ito sa mga inaprubahang materyales ng gusali at sa pagpayag sa building code.

Sa ngayon ay kumukuha na ng statement ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga nakaligtas na kanila namang gagamitin bilang ebidensya sa kasong isasampa laban sa may-ari ng Chuzon Supermarket.

Facebook Comments