May-ari ng gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga hawak na ng CIDG Isa pang building nito sa Apalit,  nagkaroon ng minor damages

Inihayag ngayon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na personal na sumuko sa Municipal Police Station ang may-ari ng gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Albayalde, kasalukuyan iniimbestigahan ang may-ari na si Samuel Chu kung saan inaalam na kung kumpleto ang mga papeles at permit nito sa pagtatayo ng chuson supermarket.

Sinabi pa ni Albayalde na posible din daw na mapanagot ang departamento ng lokal na pamahalaan na nagbigay ng permit at lisensiya nito sa pagne-negosyo.


Aantayin din daw nila ang ginagawang pagsusuri at imbestigasyon ng DPWH sa gumuhong supermarket para malaman kung anong kaso ang kakaharapin ng may-ari.

Sa huli, sinabi pa ni Albayale na maging ang isa pang building ni Chu sa apalit, pampanga ay nagkaroon din daw ng minor damages kayat sinusuri na ngayon kung pumasa ito sa building code.

Facebook Comments