May-ari ng isang cold storage facility, pina-contempt at pinapaaresto ng Kamara

Pinatawan ng “contempt” at pinapa-aresto ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Representative Mark Enverga ang may-ari ng isang cold storage facility.

Ito ay si Eric Pabilona na syang may-ari ng Tian Long Corporation na pinapa-aresto at pinapa-detainee ng Kamara sa loob ng 30 araw.

Dahilan nito ang kabiguang dumalo ni Pabilona at magsumite ng mga dokumento sa mga pagdinig kaugnay sa isyu ng overpricing at manipulasyon sa presyo ng sibuyas.


Si Pabilona ay sinasabing shareholder din ng Golden Shine International Freight Forwarders Corporation.

Ang naturang kompanya ay konektado umano sa Philippine Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association (PhilVIEVA), na pinangungunahan ng binansagang “Sibuyas Queen” na si Lilia Cruz.

Facebook Comments