May-ari ng isang resort at mga opisyal ng Barangay 171 sa Caloocan City, posibleng maharap sa kaso

Ikinandado na ng Caloocan City Government ang Gubat sa Ciudad Resort na nag-viral sa social media makaraang lumabag sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at health protocols dahil sa pagbubukas at pagtanggap ng mga parokyano.

Sa interview ng RMN Manila kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, sinabi nito na pinawalang bisa na nila ang business permit ng nasabing resort at inihahanda na ang kasong kriminal laban sa may-ari nito.

Kasabay ng malawakang imbestigasyon kung paano at bakit ito nangyari, nag-utos na rin ang alkalde ng contact tracing, close monitoring at testing sa lahat ng mga indibidwal na nasa loob ng nasabing resort.


Samantala, nagbanta naman si Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na maaaring masibak sa pwesto at maharap sa kaso ang mga opisyal ng Barangay 171 sa pamumuno ni Chairman Romeo Ignacio Rivera kapag napatunayang nagpabaya at may kinalaman ang mga ito sa insidente.

Facebook Comments