May-ari ng lantsa na nagdulot ng oil spill sa Iloilo, pagmumultahin ng DENR

PHOTO COURTESY: LEO SOLINAP

Pagmumultahin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may-ari ng lantsang nagdulot ng oil spill sa Iloilo nitong Biyernes.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, mag-iisyu ang ahensya ng notice of violation sa AC Energy dahil sa paglabag sa Republic Act 9275 o Clean Water Act.

Magpapatawag ng technical conference na nakatuon sa clean-up operations.


Dagdag pa ni Antiporda, ang kaso ay ipapadala sa Pollution Adjudication Board (PAB) para sa assessment ng mga multa.

Ang AC Energy ay nagsasagawa ng clean-up operation sa apektadong marine areas sa tulong ng third party Harbor Star Shipping Services.

Kaugnay nito, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay maghahain din ng reklamo laban sa AC Energy kung kinakailangan.

Nasa 63 pamilya ang inilikas bunsod ng tagas ng langis.

Samantala, tiniyak ng AC Energy na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa insidente at aalamin ang tunay na dahilan ng pagsabog na nagresulta ng pagtagas ng langis sa kanilang Power Barge 102.

Facebook Comments