May-ari ng lumubog na MT Princess Empress, mahaharap sa maraming kaso

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na maraming kaso ang kakaharapin ng may-ari ng lumubog na MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa maraming bayan sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Remulla, nagpapatuloy ang case build up para matukoy ang mga posibleng pananagutan ng may-ari ng nasabing tanker.

Kabilang sa sinisilip ng DOJ ang insurance contract ng MT Princess Empress.


Bukod pa rito ang pinsala sa kalikasan, biodiversity, at sa kalusugan ng mga residente ng Oriental Mindoro.

Sa Martes, March 21, 2023, lilipad patungong Oriental Mindoro sina Remulla at iba pang opisyal ng gobyerno para i-validate ang initial findings ng DOJ.

Plano rin ng DOJ na maimbitahan ang mga opisyal at may-ari ng MT Princess Empress sa mga susunod na pagpupulong at kapag gumulong na ang kaso.

Tiniyak din ni Remulla ang hustisya sa mga biktima ng oil spill.

Facebook Comments