May-ari ng luxury vehicle na may sticker ng PNP, tukoy na

Isang kompanya ang nagmamay-ari ng Toyota Alphard na may sticker ng Philippine National Police (PNP) ang nag-trending sa social media.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., may natanggap na silang impormasyon mula sa Highway Patrol Group (HPG) kung saan isang kompanya ang nagmamay-ari nito na ipinasa na sa ibang may-ari.

Sa ngayon ani Azurin, patuloy ang backtracking ng PNP kaugnay sa mga sasakyan na may logo at sticker ng PNP.


Nananawagan din ang opisyal sa may-ari nito na isuko ang sasakyan at magpaliwanag kung bakit hindi niya tinanggal ang sticker ng PNP.

Kasunod nito, iginiit ng PNP na wala silang iniisyung Toyota Alphard bilang police patrol.

Aniya, Innova, Grandia, commuter van at iba pang pick up ang sasakyang ginagamit ng PNP at walang Toyota Alphard.

Nabatid na labag sa batas ang paglalagay ng logo ng PNP at insignia ng iba’t ibang sangay nito sa mga pribado at pang personal na sasakyan sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code.

Facebook Comments