Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-ari ng Manila Water at Maynilad ng korapsyon at syndicated estafa.
Ito ay may kaugnayan sa “onerous” water concession contracts.
Ayon sa Pangulo – ang 1997 water concession agreements ay may paglabag sa Anti-Graft at Corrupt Practices Act.
Sinabi rin ng Pangulo na humingi na ng paumanhin sa kanya ang dalawang water concessionaire.
Pero muling nagbanta ang Pangulo na aarestuhin ang mga may-ari ng water concessionaires.
Si Fernando Zobel De Ayala ay chairman ng Manila Water habang si Manuel V. Pangilinan ay chairman ng Maynilad.
Wala pang tugon ang dalawang business tycoon sa pahayag ng Pangulo.
Facebook Comments