
Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng motorsiklo na iniwang nakaparada sa gitna ng kalsada sa Antipolo City, Rizal.
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, ikinagulat niya ang nag-viral sa social media na animo’y sadyang ipinarada sa gitna ng kalsada.
Gayunman, gusto muna nilang mapakinggan ang panig ng may-ari ng motorsiklo bago patawan ng anumang parusa.
Malaki aniya ang magiging problema ng may-ari ng motorsiklo kapag hindi sila nakumbinse sa magiging paliwanag nito.
Nag-isyu na aniya sila ng showcause order laban sa may-ari ng motorsiklo upang malaman kung siya rin ang nagmamaneho nito.
Pinapadalo sa itinakdang imbestigasyon ng LTO sa March 24 ang may-ari ng motorsiklo na natukoy na residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City.
Nakaalarma na rin ang nasabing motorsiklo.