May-ari ng Panda Coach Tours Bus, Best Link College of the Philippines at Haranah Bus Tour ipapatawag ng LTFRB

86

MANILA, PHILIPPINES – Ipapatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may-ari ng Panda Coach Tours Bus, Bestlink College of the Philippines at Haranah bus tour.

 

Ayon kay LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, hindi ang Panda Coach Tours and Transport Inc. ang nakalagay sa kontrata ng eskwelahan para sa educational tour kundi ang haranah tours corp.

 

Depensa naman ni Atty. Cesar Brillantes, legal counsel ng Haranah Tours, kinailangan nilang kumuha ng bus sa ibang kumpaniya dahil nadagdagan ang bilang nga mga estudyante.

 

 

Samantala, sinabi ng pamunuan ng Bestlink Colleges na hindi pinilit ang mga estudyante na sumama sa field trip.

 

Ayon kay Dr. Charlie Cariño, bise president ng academics ng BCP, may ipinadala silang sulat sa mga magulang ng estudyante na nagsasaad kung pahihintulutan ang mga anak nila na sumama sa tour.

 

 

Tiniyak naman ni Carino na sasagutin ng paaralan ang lahat na gastusin sa pagpapagamot ng mga biktima at maging ang pagpapalibing sa mga nasawi.




Facebook Comments