May-ari ng pizza store, naitaboy ang magnanakaw matapos pagbabatuhin ng pizza

324

Naudlot ang tangkang pagnanakaw sa isang tindahan sa Delaware, USA matapos gamiting panlaban ng may-ari ang paninda niyang pizza.

Pinasok ng ‘di pa natutukoy na lalaki ang establisyimento noong Biyernes, Hulyo 10, iniulat ng Delaware State Police.


Salaysay ng may-ari, na hindi rin nagpakilala, na dumating ang lalaking armado ng machete at nanghihingi sa kanya ng pera.

Sinabihan niya umano ang suspek na wala siyang maibibigay na pera saka ito binato ng pizza hanggang sa umalis.

Wala namang pinsala sa palabang pizza store owner.

Habang pinaghahanap pa rin ng pulisya ang suspek.

Facebook Comments