Kinumpirma ng Calamba City Police na magsasampa ng kasong damage to property ang mga residenteng napinsala ang mga ari-arian dahil sa pagsabog sa iligal na pagawaan ng paputok sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.
Bukod ito sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices na isasampa ng pulisya laban sa may-ari ng pagawaan ng mga paputok.
Ayon sa Calamba City Police, bawal ang pag-operate ng nasabing negosyo sa residential area dahil mapanganib ito.
Sa naturang pagsabog, lima ang binawian ng buhay at 2 ang nasugatan.
Sa tindi ng pagkasunog ng katawan ng mga biktima, kinailangan pa itong isailalim sa autopsy examination at DNA testing para makilala.