Sinampahan na ng kasong frustrated murder ang driver ng SUV na nanagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City kahapon.
Ayon kay Mandaluyong City Police Chief Police Col. Gauvin Mel Unos, sinampahan din ang SUV owner ng reklamong Abandonment of One’s Own Victim.
Bukod dito, maaari ring mapawalang-bisa ang lisensya ng SUV driver.
Una nang sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver bilang preventive action.
Ayon kay Land Transportation Office – NCR director Clarence Guinto, kapag napatunayang hindi siya karapat-dapat na magmay-ari ng lisensya ay maaari siyang patawan ng perpetual revocation.
Samantala, inimbitahan na sa preliminary hearing ang may-ari ng SUV upang magpaliwanag sa kinasangkutang hit-and-run incident.
Kasalukuyan namang nasa intensive care unit ang security guard na si Christian Joseph Floralde.