May-ari ng warehouse na pinagdalhan ng droga na si Richard Tan at financier na si Kenneth Dong, haharap sa imbestigasyon ng Kamara

Manila, Philippines – Nangako na haharap sa imbestigasyon ng Kamara ang may-ari ng warehouse na si Richard Tan o Richard Chen na pinagdalhan ng iligal na droga na nakumpiska ng Bureau of Customs.

Ayon kay Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers, nagpadala ng affidavit ang abogado ni Tan na nagbibigay katiyakan na ihaharap nito ang kliyente sa pagdinig ng Ways and Means Committee bukas araw ng Miyerkules.

Nakatanggap din ng affidavit si Barbers mula sa abogado ni Kenneth Dong, na nagsasabing haharap ito sa susunod na pagdinig.


Si Kenneth Dong ay isa sa mga kliyente ni Customs broker Mark Taguba at siyang financier sa mga suhol na ipinapamudmod sa mga taga-Customs.

Si Dong ay isa din sa namamagitan para mai-facilitate ang pagpasok ng shipment ng Hong Fei China sa bansa gamit ang lokal na consignee na EMT Trading.

Bukas, sa imbestigasyon ng Ways and Means ay inaasahang haharap ang mga ito para bigyang linaw ang isyu ng iligal na droga at suhulan sa BOC.

Facebook Comments