May-ari ng Yummito’s Pantry, ibinahagi kung bakit sila ang coziest place sa Puerto Galera

Coziest pantry in Puerto Galera.

Ito ang tawag sa Yummito’s Pantry na tampok ngayon sa Business as Usual.

Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng owner na si Majeg Lebron na goal talaga ng Yummito’s Pantry na maging instagrammable lalo na’t millenials ang kanilang target market.


Kwento pa ni Majeg, sa kabila ng matumal na turista dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi naman daw sila apektado lalo na’t marami pa ring mga residente ang dumarayo sa kanila.

Kaya naman para sa mga bibisita sa beach ng Puerto Galera, matatagpuan ang Yummito’s Pantry sa Poblacion, Puerto Galera.

Facebook Comments