MAY BAGO | Kiray Celis, super happy sa takbo ng kanyang lovelife

Manila, Philippines – Super happy ngayon ng comedienne na si Kiray Celis sa takbo ng kanyang lovelife.

Say ng 22 years-old comedienne, isang non-showbiz guy ang kanyang inspirasyon ngayon, at isang businessman.

Kwento ni Kiray, limang buwan palang sila ng boyfriend pero matagal na anya silang magkakilala nito bago pa man pumasok sa relasyon.


Bago ito, limang buwan na rin ang nakakaraan nang maghiwalay sila ng landas ni Kirst Viray, ang modelong na-link sa kanya kung saan gumawa sila ng ilang proyekto.

Facebook Comments